Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Production operator, nasawi matapos masalpok ng van sa Sto. Tomas City, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Nasawi ang isang 36-anyos na production operator matapos mabangga ng isang van habang tumatawid sa kalsada sa Barangay San Isidro Norte, Sto. Tomas City, Batangas, alas-4:40 ng madaling-araw nitong November 9, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Sto. Tomas City Police, binabagtas ng van ang barangay road mula San Luis, Sto. Tomas City, patungong Lima, Malvar, upang magsakay ng pasahero nang mabangga nito ang biktima na tumatawid patungo sa kabilang bahagi ng kalsada.

Nagtamo ng malubhang pinsala ang biktima at agad na isinugod ng Sto. Tomas City Rescue Team sa Laurel District Hospital sa Tanauan City. Gayunman, idineklarang dead on arrival ang biktima pagdating sa ospital.

Kinilala ang nasawi na si Krestine, residente ng Barangay San Isidro Norte at tubong Daet, Camarines Norte.

Samantala, ang 41-anyos na driver ng sasakyan ay residente ng Barangay Bagong Pook, Malvar, Batangas.

Nasa proseso na ng paghahain ng kaukulang kaso ang insidente, ayon sa pulisya. | BChannel news