Arestado ang 34-anyos na si Mer, isang street-level individual, sa Brgy. San Juan, Sto. Tomas City noong Nobyembre 17, 2025, sa isang anti-illegal drugs operation ng City Drug Enforcement Team (CDET) ng Sto. Tomas Police.
Nakuha sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.2 gramo at halagang P8,160.00 isang P500 na perang pambili sa buy-bust, isang .38 caliber na revolver na walang serial number, tatlong bala, at isang holster.
Ginamit ang Alternative Recording Device (ARD) sa operasyon, at ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan bago ito ikulong sa Sto. Tomas Police Station para sa kaukulang kaso sa korte. | BChannel NEWS