Naaresto ng Calatagan Municipal Police Station ang isang lalaki na may kasong Statutory Rape and Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), sa Brgy. Balibago sa Calatagan, Batangas nitong Nobyembre 17, 2025.
Kinilala ng pulisya ang suspek bilang Marco, 35 anyos, construction worker at residente ng parehong barangay.
Dinakip siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 14 sa Nasugbu noong Nobyembre 5. May rekomendadong piyansa na P180,000 para sa Acts of Lasciviousness, habang walang piyansa para sa mas mabigat na kaso ng Statutory Rape.
Gumamit ng dalawang Alternative Recording Devices ang mga operatiba upang matiyak ang maayos na dokumentasyon ng operasyon. Ipinaalam rin sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal, habang inihahanda na ang mga papeles para sa pagbabalik ng warrant.
Giit ng pulisya, patuloy ang kanilang pagtutok sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa kabataan upang matiyak ang hustisya at kaligtasan ng komunidad. | BChannel news