Binuksan na muli ang Masasa Beach sa Tingloy, Batangas para sa publiko at mga turista simula ngayong Nobyembre 18, 2025.
Ayon kay Vice Mayor Dra. Mikee Alvarez, base sa rekomendasyon ng CGSS-Tingloy, Tingloy Homestay Association, MATTGAS, at MDDRM Council, ligtas na ang dagat at baybayin para sa lahat.
Inihayag ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Larry Alvarez na dapat panatilihin ang kalinisan at ganda ng Masasa Beach. Pinapasalamatan din nila ang mga organisasyong THAI at MATTGAS at lahat ng nagtulong para mapanatiling maayos ang lugar.
Kasabay ng muling pagbubukas, ipatutupad ang mas mahigpit na safety protocols at tuloy-tuloy na pagmamanman sa kondisyon ng dagat upang matiyak ang kaligtasan ng mga bisita.
Ang memorandum order mula sa Office of the Municipal Mayor ng Tingloy ang opisyal na nag-alis sa pansamantalang suspensyon ng tourism activities sa bayan. | BChannel news