Isang 73-anyos na pedestrian ang nasawi matapos maaksidente sa Bypass Road, Brgy. Bucal 4A, Maragondon, Cavite, madaling araw ng Nobyembre 18, 2025.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang dumaraan ang isang kotse patungo sa Maragondon proper, aksidenteng nabangga nito ang pedestrian na tumatawid sa kalsada. Dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival ng doktor bandang alas-4:20 ng umaga.
Ang driver ng sasakyan, 20-anyos na studyante na si Jian, ay nakipagkasundo sa pamilya ng biktima. Tumanggi ang mga kamag-anak na magsampa ng kaso at napagkasunduan na sasagutin ng driver ang lahat ng gastusin sa ospital at libing ng nasawi. | BChannel news