Nahuli ng mga pulis ang isang lalaki na kinilalang “Nico” matapos isagawa ang Search Warrant operation sa Barangay Fabrica noong Nobyembre 19, 2025.
Ang operasyon ay isinagawa ng Lobo Municipal Police Station kasama ang PDEA, base sa utos ng Executive Judge ng RTC Lucena, na inilabas noong Nobyembre 18.

Arestado ang suspek, 30 anyos, at residente rin ng naturang barangay, matapos makakuha ang mga pulis ng sampung sachet ng shabu na may timbang na 14.1 gramo, isang sachet ng marijuana seedlings na higit limang gramo, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Nakumpiska rin ang isang improvised shotgun, higit apatnapung live ammunition para sa caliber .45, isang black sling bag, firearm case, at digital weighing scale.
Gumamit din ang mga pulis ng Alternative Recording Device sa buong operasyon.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Lobo Police Station habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165. | BChannel news