Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

49-anyos na lalaki, timbog sa ilegal na droga sa Tuy, Batangas

Arestado ang isang 49-anyos na lalaki na kabilang sa Provincial Most Wanted Persons ng Batangas sa isang manhunt operation sa Barangay Rillo, Tuy, Batangas, noong October 19, 2026.

Kinilala ang suspek na si “Rodel,” isang residente ng nasabing barangay. Inaresto siya ng mga tauhan ng Tuy Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 11 sa Balayan, Batangas, noong October 19, 2026.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 11 at Section 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Oliver B. Ebora, kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuy Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga dokumentong kailangan para maibalik ang warrant sa korte.

Ayon kay Ebora, bahagi ito ng kanilang kampanya laban sa mga wanted na sangkot sa ilegal na droga at pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa Batangas.