Isang 16-anyos na Grade-11 student ang natagpuang patay sa Marikina River sa bahagi ng Philippine Rock, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, unang nai-report sa MDRRMO ang insidente bandang 9:30 ng umaga at iniulat sa pulisya ganap na 3:30 ng hapon, Nobyembre 21, 2025.
Base sa imbestigasyon, sinabi ng ina ng biktima na noong gabi ng Nobyembre 19, pinagsabihan niya ang kanyang anak matapos nitong makipagtalo sa kapatid.
Bandang alas-11 ng gabi, gising pa raw ang biktima at gamit ang cellphone.
Pagsapit ng alas-2 ng madaling araw, napansin niyang wala na ito sa loob ng bahay.
Nakakita siya ng sulat na nakadirekta sa kanya, sa mga kaklase, at sa mga guro, kung saan sinabi ng biktima na matagal na nitong iniisip ang pagpapatiwakal at naniniwala itong magkakaroon siya ng kakaibang kapangyarihan pagdating sa afterlife, gaya ng anime na “Isekai” na madalas nitong panoorin.
Agad nagsagawa ng paghahanap ang pamilya gamit ang Barangay CCTV.
Huling nakita ang biktima sa Eastwood Bridge, malapit sa Philippine Rock.
Isang concerned citizen din ang nagkumpirma na tumalon ang binatilyo sa ilog. Mabilis na rumesponde ang MDRRMO at sinimulan ang retrieval operation, hanggang sa maiahon ang katawan ng biktima nitong Biyernes nang umaga.
Dinala ang labi sa isang Funeral Homes sa Barangay Burgos para sa wastong pangangasiwa. | BChannel news | 📸BDRRMO/Fire & Rescue