Isang lalaki ang patay at isa ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Abad Santos Avenue, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite nitong umaga ng Nobyembre 25, bandang 8:30.
Ayon sa paunang imbestigasyon, si Jervy, na namimili lang ng pagkain sa lugar, ay tinutukan ng baril ng suspek at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isang lalaki rin na nasa malapit, si Pepito, ay tinamaan rin ng stray bullet sa kanyang kanang binti.
Dinala agad si Jervy sa Dasmariñas City Medical Center ngunit idineklarang patay ng doktor bandang 9:25 ng umaga. Si Pepito naman ay kasalukuyang ginagamot sa isang ospital at stable ang kondisyon.
Inilarawan ng mga awtoridad ang suspek bilang lalaking naka-itim na jacket at pantalon, nakasuot ng silver helmet, at sakay ng itim na motorcycle. Agad siyang tumakas patungo sa direksyon ng Aguinaldo Highway matapos ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng Dasmariñas City Police para tukuyin at mahuli ang suspek gayundin ang motibo sa krimen. | BChannel news