Patuloy ang ginagawang paghahanap ng Batangas Police Provincial Office sa suspek sa naganap na pamamaril sa Nasugbu, Batangas bandang 8:15 ng gabi noong December 7, 2025.
Kinumpirma ni BPPO Acting Provincial Director PCOL Geovanny Emerick A. Sibalo, apat na pasahero ang sakay ng tricycle nang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki gamit ang caliber .45 at 5.56 na baril.
Dahil dito, patay ang padre de pamilya habang binawian na rin ng buhay ang 6 na taong gulang nitong anak at nagtamo naman ng sugat ang 17-anyos nitong anak. Ang isa pang biktima ay ligtas. Agad naman tumakas ang suspek.
Sa ngayon, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang Batangas Police upang tukuyin ang motibo ng salarin.
Hinihiling ng kapulisan sa publiko na magbigay ng impormasyon ng suspek sa mga numerong 0998-598-5673 o 0998-598-5697.
Patuloy rin ang panawagan ng mga kaanak ng biktima ng hustisya lalo na ang asawa ng biktima na nasa ibang bansa at nagtatrabaho bilang OFW. | BChannel news