Nagbabala ang Philippine Heart Association laban sa kumakalat na maling impormasyon sa social media tungkol sa sakit sa puso na nagiging dahilan ng pagkaantala o pagtigil ng tamang gamutan ng mga pasyente.
Ayon kay PHA national president Dr. Walid Amil, may mga pasyenteng mas naniniwala sa payo ng kaibigan o kapitbahay kaysa sa doktor, kabilang ang pagtigil sa maintenance na gamot kahit pangmatagalan ito.
Babala niya, delikado ito at maaaring lumala ang kondisyon ng pasyente.
Kaya patuloy ang PHA sa mga lecture, konsultasyon, at community activities para labanan ang health misinformation.
Hinikayat din ni Amil ang publiko na alagaan ang puso sa tamang pagkain, ehersisyo, pag-iwas sa bisyo, at regular na pagpapatingin sa health professionals. | BChannel news