Nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency ang tinatayang ₱278 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang joint operation sa Manila International Container Port.
Ayon sa BOC, nagmula sa Afghanistan ang shipment na idineklarang “marble” ngunit pinaghinalaang may lamang shabu batay sa impormasyong ibinahagi ng PDEA noong Disyembre.
Pagdating ng container noong Disyembre 31, hindi ito naideklara sa takdang panahon kaya itinuring na abandoned at isinailalim sa masusing inspeksyon.
Sa X-ray at K9 inspection, lumitaw ang kahina-hinalang bahagi ng container.
Nitong Lunes Pebrero 9, matapos ang 100 porsiyentong physical examination, natuklasan ang 131 pakete ng puting pulbos na kalauna’y kinumpirmang shabu, na may bigat na humigit-kumulang 41 kilo.
Tiniyak ng BOC at PDEA na paiigtingin pa ang koordinasyon upang maprotektahan ang bansa laban sa ilegal na droga.| BChannel news