Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang tinaguriang Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay San Marcelino, Taysan, Batangas kahapon, Pebrero 23, 2026.
Kinilala ang suspek na si “Jomar,” 54 anyos, at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, siya ay nadakip ng mga tauhan ng Taysan Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang 1st Batangas Provincial Mobile Force Company at PIT Batangas RIU-4A.
Isinilbi sa akusado ang Warrant of Arrest para sa kasong panggagahasa na inisyu ng Regional Trial Court Branch 87 sa Rosario, Batangas, na may petsang Pebrero 23, 2026.
Nakasaad sa kautusan ng hukuman na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. | BChannel news