Nagpasya ang lokal na pamahalaan ng Taal, Batangas na ilipat ang pondo ng kanilang 454th Foundation Day celebration upang gawing fuel subsidy para sa mga driver at mangingisda sa gitna ng patuloy na taas-presyo ng langis.

Ayon kay Mayor Nene Bainto, mas prayoridad ngayon ang agarang tulong sa sektor ng transportasyon at pangingisda na direktang apektado ng oil crisis.
Sa halip na magarbong selebrasyon, “scaled down” muna ito upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Sa isinagawang public consultation, nakipagdayalogo ang LGU sa iba’t ibang sektor upang masigurong ang mga hakbang ay akma sa sitwasyon sa ground.
Positibo naman ang naging tugon ng mga TODA at lokal na grupo, na nagpahayag ng pasasalamat sa mabilis na aksyon ng pamahalaan.

Dagdag pa ng LGU, pinaghahandaan na rin ang pagpapalawak ng tulong upang maisama ang iba pang sektor na apektado ng krisis, bilang bahagi ng mas malawak na hakbang para mapagaan ang epekto nito at mapanatili ang maayos na serbisyo publiko.