Isang mini Asian food adventure ang inilunsad sa SM City Batangas kung saan tampok ang iba’t ibang authentic na pagkain at inumin mula sa iba’t ibang bansa sa Asia, sa ilalim ng “Flavors of Asia” food crawl nitong Lunes, April 27.
Bawat stop ay kumakatawan sa isang Asian flavor. Layunin nitong hikayatin ang mga Batangueño at shoppers na tuklasin ang iba’t ibang panlasa nang hindi na kailangang bumiyahe palabas ng lalawigan.
Sa Vietnamese stop, ipinagmalaki ng Banh Mi Kitchen ang kanilang malutong at sariwang bánh mì sandwiches na nagsisimula sa halagang P139, gamit ang tradisyunal na sangkap tulad ng pâté at pickled vegetables. Tampok din ang kanilang signature Vietnamese coffee na nagkakahalaga ng P119, kasama ang mga modernong fusion flavors gaya ng Wagyu Tapa at Lechon Belly na nagbibigay ng kakaibang twist sa kanilang mga pagkain.




Hindi rin nagpahuli ang My Laksa na naghahain ng Singaporean at Malaysian flavors, tampok ang kanilang sikat na Curry Laksa, Sarawak Laksa, at Asam Fish Laksa na kilala sa maanghang at malapot na sabaw, na mabibili sa halagang 285 pesos kada bowl. Bukod dito, inihain din ang kanilang signature fried rice, habang ibinahagi na ang kanilang branch sa Batangas ang ikalawa nilang lokasyon na binuksan noong December 2025. Nagbigay rin sila ng sunglasses giveaway mula sa kanilang sister brand na OJO Eyewear bilang summer treat sa media.





Para sa tea lovers, dinala naman ng Chatime ang Taiwanese tea culture sa pamamagitan ng kanilang sikat na milk tea sa halagang P120 at fruit tea sa halagang P115. Ipinakita rin nila ang proseso kung paano ginagawa ang mga inumin gamit ang freshly brewed tea at iba’t ibang toppings tulad ng boba at jelly.




Sumunod naman ang Takoyadon PH kung saan inihain ang kanilang affordable at authentic Japanese street food tulad ng takoyaki, donburi na nagsisimula sa P165, at iba pang comfort meals na patok sa quick food lovers. Pinatunayan nito na kahit simple, kayang magbigay ng tunay na Japanese experience.





Panghuling tinungo ang Macao Imperial Tea na kilala sa mabilis nitong paglago bilang global café chain mula Macau. Tampok ang kanilang mga inumin mula P100 pataas ang presyo ng kanilang milk tea, fruit-infused drinks, at mga inuming may cream cheese, pati na rin ang kanilang kilalang “For You and Me” bottles. Nag-aalok din sila ng kape, sodas, at pastries tulad ng red velvet cake.





Kasama ng Balisong Channel ang Amazing Batangas at iba pang lokal na media sa pagtuklas ng iba’t ibang putahe at inumin. Ginabayan naman ang grupo nina SM City Batangas Public Relations Officer Lea De Chavez at Marketing Officer Matt Babasa upang mas maipaliwanag ang bawat brand at ang konsepto ng food crawl.
Sa kabuuan, ipinapakita ng “Flavors of Asia” na posible nang maranasan ang iba’t ibang lasa ng Asia sa iisang lugar, dito mismo sa Batangas kung saan nagbibigay saya, convenience, at bagong food experience para sa bawat mamimili.
Minsan, kung nais mo ring tikman ang ganitong mga lasa kahit hindi na dumayo sa ibang bansa, maaari mo itong maranasan sa SM City Batangas, at kung sakali mang makarating ka naman sa ibang bansa, may pagkakataon ka pang maikumpara ang mga ito sa tunay na pinanggalingan ng mga lasa. | #BCBrandLab