May nakalaan umanong hindi bababa sa P27 milyong pondo ang Senado para sa posibleng impeachment trial, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
Sinabi ni Lacson na bahagi ito ng continuing appropriation mula noong nakaraang taon.
Kabilang sa unang naging gastos ang halos P500,000 para sa 60 robes na gagamitin sa trial, na nagkakahalaga ng P7,000 bawat isa, bukod pa sa iba pang kaugnay na gastusin.
Samantala, nilinaw ni Senate President Tito Sotto na tinatayang P12.6 milyon pa ang maaaring magastos ngayong taon kung maipapadala ng House of Representatives ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Senado, kung hindi matutuloy ang impeachment proceedings, ibabalik ang nakalaang pondo sa national treasury.