Arestado ang isang 59-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Calaca Component City Police Station sa Brgy. Salong, Calaca City, Batangas nitong May 4.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si “Buga,” residente ng Calaca, matapos umano itong bentahan ng hinihinalang ilegal na droga ang isang operatibang nagpanggap na buyer.
Nakuha umano mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 0.45 grams at may standard drug price na mahigit P3,000.
Nasamsam din ang isang caliber .38 revolver na walang serial number, tatlong bala, isang sling bag, isang tunay na P500 bill, tatlong pekeng P1,000 bills na ginamit sa operasyon, at isang motorcycle.
Nasa kustodiya na ng Calaca police ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, at Republic Act 10591 o batas laban sa loose firearms.
Patuloy namang pinaigting ng mga awtoridad ang kampanya kontra ilegal na droga at mga hindi lisensyadong baril sa Batangas.