Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Libreng Tuli, isasagawa sa San Jose District Hospital sa Mayo 12

Isasagawa ang libreng tuli sa San Jose District Hospital sa Banay-Banay Uno, San Jose, Batangas sa darating na Mayo 12, 2026.

Ayon sa abiso, bukas ang registration mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at tumatanggap ng walk-in participants sa first come, first served basis.

Maaaring magpalista direkta sa ospital o sa online registration link na inilabas ng organizers. https://docs.google.com/1FAIpQLSdjexpF3ws

Ang programa ay handog ng San Jose District Hospital katuwang ang Provincial Government of Batangas, Batangas Provincial Health Office, at One Kabatang Matikas Eagles Club para sa mga nais magpatuli nang libre.