Isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada ang panukalang batas na magbibigay ng mandatory 5 percent discount sa mga estudyanteng mula sa low-income families.
Sakop dito ang tuition, pagkain, gamot, school supplies, at maging gadgets gaya ng laptop at tablet na ginagamit sa pag-aaral.
Sa ilalim ng Senate Bill 1063 o “Underprivileged Students’ Discount Act,” maaaring makinabang ang mga estudyanteng ang annual income ng pamilya ay mas mababa sa 250,000 pesos o nasa paligid ng 20,000 pesos kada buwan.
Kasama rin sa posibleng diskwento ang miscellaneous fees, bookstores, pharmacies, at ilang cultural events. Puwede ring makinabang ang working students basta pasok sa income requirement.
Ayon kay Estrada, malaking tulong umano ito sa araw-araw na gastusin ng mga estudyante lalo na ngayong mahal ang bilihin at mahalaga na rin ang gadgets sa pag-aaral.
Kapag naaprubahan, ang DepEd, CHED, at TESDA ang magbibigay ng ID sa mga kwalipikadong estudyante.