Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Independence Day celebration ginanap sa SM City Batangas

Nakiisa ang SM City Batangas sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng flag-raising at commemorative ceremony na dinaluhan ng mga opisyal at iba’t ibang grupo sa lungsod.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bansa sa gitna ng selebrasyon ng kalayaan.

Dumalo sina Batangas City Mayor Marvey Marino, Vice Mayor Alyssa Cruz, Councilors Claudette Ambida, Aileen Montalbo, Andrea Macaraig, Ched Atienza, at Ailin Dimacuha, kasama rin si SK President Sherwin Tejada at Brgy. Captain Romy Catilo.

Kabilang din sa mga nakiisa ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines, pati mga partner at tenant ng mall.

Ayon sa SM, “freedom hits different when it’s shared,” habang pinasalamatan ang lahat ng nakiisa sa paggunita ng Araw ng Kalayaan at sa pagpapakita ng pride at pagiging makabayan sa komunidad ng Batangas.