Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Higit P1 Million halaga ng shbu nasabat sa Batangas Port, suspek arestado

Higit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Zone 1, Passenger Terminal, Batangas Port, Barangay Sta. Clara, Batangas City, Batangas sa isinagawang interdiction operation noong June 17.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, nasa 150 gramo ng iligal na droga ang narekober mula sa suspek na kinilalang si “Briant,” 39 anyos, residente ng Oriental Mindoro.

Nahuli ang suspek habang papasakay sana ng barko papuntang Calapan City, kasabay ng operasyon na isinagawa ng PDEA kasama ang Philippine Ports Authority, PNP Maritime Police, at Coast Guard K9 unit.

Bukod sa droga, nakuha rin sa kanya ang cellphone at driver’s license bilang bahagi ng ebidensya.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, kabilang ang transportasyon at pag-iingat ng ilegal na droga.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag sa mga ganitong aktibidad habang pinaigting ang seguridad sa mga pantalan upang mapigilan ang pagpasok at paglabas ng iligal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.