Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Babaeng negosyante, patay sa pamamaril sa Sto. Tomas City, Batangas

Nasawi ang isang 53-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay San Roque, Sto. Tomas City, Batangas, madaling araw ng Hunyo 24.

Ayon sa imbestigasyon ng Batangas PPO, bandang alas-4 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng kanilang meat shop.

Batay sa pahayag ng live-in partner ng biktima, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang huminto sa tapat ng establisimyento bago isa sa mga ito ang nagpaputok ng ilang beses. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Barangay San Miguel.

Kinilala ang biktima na si Evelyn, at residente ng Barangay San Pedro sa naturang lungsod.

Rumesponde ang mga pulis at isinailalim sa pagsusuri ang crime scene. Nakalap din ang ilang ebidensya na sasailalim sa forensic examination.

Patuloy ngayon ang follow-up investigation ng Batangas Police Provincial Office, kabilang ang pagsusuri ng mga CCTV footage at iba pang intelligence operations upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at posibleng motibo sa krimen.