Inutusan ng Sandiganbayan Third Division ang paglipat kay Senador Rodante Marcoleta sa Quezon City Jail–Male Dormitory sa Payatas kaugnay ng kinahaharap niyang plunder case.
Sa pagdinig, sinabi ni UP-Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi na wala na siyang pneumonia at hindi na nangangailangan ng karagdagang pagpapa-ospital.
Dahil dito, sinabi ng korte na maaari na siyang ilipat sa regular detention facility matapos ideklarang fit para sa detention at hindi na kailangan ng hospital arrest.
Nauna nang nasa ilalim ng hospital arrest si Marcoleta mula pa noong July 6. Samantala, inihayag ng PNP-CIDG na nakahanda na silang ilipat ang senador sa bagong pasilidad sa Payatas, Quezon City.
Kasabay nito, pormal ding inarraign ang mga kapwa akusado na sina dating Congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray, na pawang naghain ng not guilty plea sa kanilang mga kaso. | 📸 PNA