Simula ngayong July 25, ipinatupad na ang unang bahagi ng ₱85 wage increase para sa mga minimum wage earner sa National Capital Region, ayon sa DOLE.
Dahil dito, tumaas sa ₱755 mula ₱695 ang arawang minimum wage sa non-agriculture sector, habang naging ₱718 mula ₱658 naman para sa mga manggagawa sa agrikultura at ilang maliliit na negosyo.
Bagama’t mahigit 1.1 milyong manggagawa ang inaasahang makikinabang, nananatiling usapin para sa ilang labor groups kung sapat ang dagdag-sahod sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ang natitirang ₱25 na dagdag-sahod ay nakatakdang ipatupad sa January 20, 2027. | BChannel News