Opens in a new tab
Skip to content
National

Risa Hontiveros, satisfied sa iika-5 SONA ni Pangulong Marcos

May ilang bahagi ng ikalimang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ikinatuwa ni Senator Risa Hontiveros, pero sinabi niyang umaasa pa rin siya sa mas maraming konkretong resulta para sa mga Pilipino.

Ayon kay Hontiveros, gusto niyang makakita ng mas malinaw na patunay kung paano pa lalo mapapabuti ang buhay ng mga pamilya, at hindi lamang ulat tungkol sa mga nagawa ng pamahalaan.

Aniya, nais din sana niyang mas nabigyang pansin sa talumpati ang usapin ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Para sa senador, mahalagang palakasin ang light at medium industries dahil maaari itong lumikha ng mas maraming trabaho. Naniniwala rin siyang dapat mas mabigyang pansin ang sektor ng turismo.

Sa kabila nito, sinabi ni Hontiveros na positibo para sa kanya ang ilang pahayag ng Pangulo, kabilang ang pagsasabing siya ay pangulo ng buong sambayanang Pilipino. Suportado rin niya ang panukalang alisin ang system loss charges at value-added tax o VAT sa singil sa kuryente, na aniya ay hakbang sa tamang direksyon. | BChannel News