Opens in a new tab
Skip to content
Provincial

Lalaki, natagpuang patay sa creek sa Dasmariñas City, Cavite

crime scene do not cross signage

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa tabi ng creek sa Sitio Talon Bilad, Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite noong umaga ng Hulyo 27, 2026.

Ayon sa PRO CALABARZON, nadiskubre ang biktima ng isang backhoe operator habang nagsasagawa ng trabaho sa lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakita ang lalaki na nakahandusay at wala nang buhay sa isang liblib na bahagi ng creek na nasa paanan ng matarik na bangin.

Sa inisyal na pagsusuri ng mga awtoridad, posibleng nahulog ang biktima mula sa bangin bago nalunod. Wala namang nakitang indikasyon ng foul play sa lugar ng insidente.

Humingi na ng autopsy ang pulisya upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ni Warren. Patuloy rin ang imbestigasyon sa insidente sa Dasmariñas City, Cavite.