Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Dump Truck na may kargang lupa tumaob sa Tuy, Batangas; AUV nadaganan

Isang aksidente ang naganap sa Palico Crossing sa Tuy, Batangas bandang 1:35 ng hapon ngayong Hulyo 30 matapos tumagilid ang isang dump truck na may kargang lupa at madaganan ang isang AUV.

 

Batay sa kuha ng CCTV, binabaybay ng truck ang kalsada nang may van na umano’y nagmaniobra sa harapan nito. Sa pagtatangkang umiwas, nawalan ng balanse ang truck at tumagilid sa gilid ng daan.

Nabuhusan ng lupa at nadaganan ng bahagi ng truck ang kasalubong na AUV, kung saan na-trap ang driver sa loob ng sasakyan. Agad namang rumesponde ang mga residente, pulisya, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO upang mailigtas ang driver ng AUV at maisugod sa ospital. Nakaligtas rin ang isang babae na sakay ng AUV.

Nagdulot ng mabigat na trapiko ang isang aksidente.

Nagsagawa rin ng clearing operations sa lugar habang pansamantalang naapektuhan ang daloy ng trapiko.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente at ang kalagayan ng mga sangkot sa insidente. | JPamintuan, BChannel News