Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak ng icepick sa Talisay, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Sugatan ang isang 48-anyos na lalaki matapos umano siyang saksakin ng icepick sa Sitio Gulod, Barangay Banga, Talisay, Batangas bandang 5:30 ng hapon ng Agosto 2.

Batay sa imbestigasyon ng Talisay Municipal Police Station, magkasamang nagkape at kalaunan ay nag-inuman ang suspek at biktima. Ngunit sa hindi pa malinaw na dahilan, sinaksak umano ng suspek ang biktima na si Joselito ng dalawang beses na tumama sa kaliwang braso at ibabang bahagi ng tiyan.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek na si Christopher, residente rin ng Sitio Gulod, Barangay Banga, dala ang pinaniniwalaang ginamit na icepick.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong Frustrated Homicide laban sa suspek para sa pagsasampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Batangas City, habang nagpapatuloy ang pagtugis sa kanya at inaalam na rin ang motibo sa krimen. | BChannel news