Magkakaroon ng nakaiskedyul na power interruption sa ilang bahagi ng Batangas sa Agosto 8 at 9, mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, dahil sa maintenance activities ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at BATELEC I.
Kabilang sa maaapektuhan ang Poblacion at lahat ng barangay ng Agoncillo, San Nicolas, Lemery, Sta. Teresita, San Luis, at Taal. Apektado rin ang lahat ng barangay sa City of Calaca, maliban sa Calantas, Coral ni Lopez, at Taklang Anak.

Ayon sa NGCP, isasagawa ang corrective maintenance at iba pang mga pagkukumpuni sa mga transmission facilities upang mapanatili ang maayos na suplay ng kuryente sa mga susunod na panahon.

Pinapayuhan ang mga residente at negosyo sa mga apektadong lugar na maghanda para sa pansamantalang pagkawala ng kuryente. Maaari naman umanong maibalik ang serbisyo nang mas maaga kung matatapos agad ang mga nakatakdang gawain. | BChannel News