Pansamantalang lumikas ang ilang residente ng Sitio Aplaya, Barangay Balibago sa Lian, Batangas matapos tumaas ang banta ng pagbaha at iba pang panganib dulot ng patuloy na pag-ulan.
Sa pakikipagtulungan ng Coast Guard at mga lokal na opisyal, ligtas na nailipat sa Balibago Elementary School ang 33 residente mula sa anim na pamilya bago pa lumala ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang mga komunidad na malapit sa baybayin at mabababang lugar sa Lian, habang nananatili ang masamang panahon sa bahagi ng Batangas dahil sa pinalakas na Habagat. | BChannel news | 📸 Coast Guard Station Batangas