Isang rider ang nakuhanan ng video matapos mahulog sa kanal habang binabagtas ang baha sa Barangay 21, Batangas City ngayong Sabado, Agosto 8.
Sa ibinahaging video ni Rain Gallenero Juanico o TeamBossRain77 sa BChannel News Team, makikitang dala pa rin ng rider ang tray ng mga itlog nang aksidente siyang mahulog sa natatagong kanal habang tumatawid sa baha na abot-tuhod.
Agad naman siyang nakabangon sa tulong ng isang lalaki at ni Rain. Ayon kay Rain, walang nabasag at walang nawalang itlog sa kanyang delivery sa kabila ng insidente.
Nangyari ito habang patuloy ang malalakas na pag-ulan sa Batangas City dulot ng pinalakas na Habagat, dahilan upang muling paalalahanan ang mga motorista at riders na maging maingat sa mga binabahang kalsada. Paglilinaw: Ang audio na may linyang “ay nahulog” o “budots” sa video ay inilapat lamang ng original uploader at hindi nagmula sa News Team. | BChannel news