Binigyang-diin ni President Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng isang malaya, independiyente, at responsableng media sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa digital platforms.
Sa isang pagtitipon sa Maynila, sinabi ng Pangulo na mahalagang mapanatili ang tiwala ng publiko sa gitna ng pagdami ng maling impormasyon, manipulated content, at mga materyal na gawa ng artificial intelligence o AI.
Ayon kay Marcos, may mahalagang papel ang media sa pagbibigay ng tamang impormasyon, pagsusuri sa mga nasa kapangyarihan, at pagtulong upang manaig ang mga beripikadong datos kaysa haka-haka.
Kasabay nito, binanggit din niya ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa disinformation at ang mga programang naglalayong palakasin ang seguridad at suporta para sa mga mamamahayag sa bansa. | BChannel news