Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos umano itong makuryente habang nagkakabit ng signage sa bubong ng isang pares at mami eatery sa Barangay Poblacion, Malvar, Batangas.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Malvar Police Station, aksidenteng nadikit umano ang biktima sa isang live electrical wire habang nagtatrabaho dahilan upang makuryente. Isinugod sa ospital sa tulong ng mga residente ngunit binawian din ng buhay bandang 1:16 ng madaling araw ng Agosto 14.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jason, at residente ng Barangay Poblacion, Malvar, Batangas.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. | BChannel News