Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

8 katao, huli sa isyu ng umano’y ilegal na fuel transfer sa karagatan ng Tingloy, Batangas

Arestado ang walong indibidwal matapos madiskubre ng Philippine Coast Guard o PCG ang isang fishing vessel na may dalang libo-libong litro ng diesel sa karagatan sakop ng Barangay Makawayan, Tingloy, Batangas noong Agosto 15.

 

Ayon sa PCG, unang napansin ang bangka matapos umano itong magkaproblema sa makina at maanod malapit sa baybayin. Sa isinagawang inspeksyon, lumitaw na kulang umano sa kaukulang dokumento ang sasakyan at ang kargang produktong petrolyo nito.

 

Tinatayang may sakay na 5,000 litro ng diesel ang barko, kung saan 4,000 litro ang umano’y kargamento at 1,000 litro naman ang para sa sariling gamit ng sasakyang pandagat.

 

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan, may-ari, at nakatakdang paggamitan ng naturang diesel. Nasa kustodiya pa rin ng PCG ang walong nahuling indibidwal habang isinasagawa ang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso.