Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa ilalim ng tulay sa Lian, Batangas

crime scene do not cross signage

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Sitio Salipit, Barangay Bagong Pook, Lian, Batangas, nitong Agosto 21.

Ayon sa Lian Police Station, bandang alas-3 ng hapon nang madiskubre ang bangkay matapos makaamoy ng masangsang na amoy ang isang residente na noon ay nangangalap ng panggatong sa ilalim ng tulay.

Nakita ang lalaki na nakadapa at nasa advanced state of decomposition, kaya hindi pa agad matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Nang matagpuan, suot ng biktima ang asul na T-shirt, asul na walking shorts at color white with brown na shoes, na isa lamang ang nakasuot sa kaliwang paa.

Agad namang iniulat sa Lian Municipal Police Station ang insidente at isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga pangyayari bago ito natagpuan. | BChannel news