Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Lalaki, sinaksak habang nakikipag-inuman sa Calatagan, Batangas; suspek, arestado

crime scene do not cross signage

Isang 53-anyos na construction worker ang nagtamo ng saksak sa sa bandang kaliwang itaas ng tiyan matapos umanong atakihin ng 46-anyos na lalaki sa Sitio Santiago, Barangay Sambungan, Calatagan, Batangas, nitong August 25, 2026.

Batay sa initial investigation ng Calatagan Municipal Police Station, bandang alas-4 ng hapon nang umanong mangyari ang insidente habang nag-iinuman ang biktima, na tinukoy sa pangalang Ramil, kasama ang kanyang mga kamag-anak sa bahay ng kanyang tiyuhin.

Ayon sa biktima, dumating ang suspek na kinilalang si Fernan at bigla umano siyang sinaksak gamit ang kutsilyo. Tinamaan siya sa bandang kaliwang itaas ng tiyan, na nagdulot ng sugat mula sa saksak.

Matapos ang insidente, tumakas umano ang suspek habang naglalakad patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.

Agad namang nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga pulis at naaresto ang suspek sa kanyang bahay.

Dinala sa ospital ang biktima para sa medical treatment, habang ang 46-anyos na suspek ay dinala sa Calatagan MPS para sa kaukulang proseso at karagdagang imbestigasyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong frustrated homicide. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at motibo sa pananaksak.  | BChannel news