Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Marcos, bumisita sa ‘egg capital’ ng bansa sa San Jose, Batangas

Mas malaking kita para sa egg producers ang target ng government sa pagpapalakas ng egg processing at pagbawas sa mga middleman sa farm-to-market chain.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang bisitahin niya ngayong August 27 ang Batangas Egg Producers Multipurpose Cooperative o BEPCO sa San Jose, Batangas.

Kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ininspeksyon ng Pangulo ang PHP300-million egg processing facility sa Barangay Don Luis, na kayang magdagdag ng value sa tinatayang 7 million hanggang 10 million eggs kada araw, depende sa season.

Sa tulong ng DOST at DA, may liquid egg pasteurization, spray drying, quality control at cold storage ang facility. Ang upgraded pasteurization line ay kayang mag-process ng 1,400 kilos ng liquid egg kada oras, katumbas ng 28,000 eggs na tig-50 grams.

May PHP50-million grant mula sa DA para sa three-story cold storage na kayang maglaman ng hanggang 80 tons ng finished products.

Samantala, ginagawang powdered egg white, yolk at whole egg ang ilang liquid eggs sa pamamagitan ng spray drying. Maaari nitong mapahaba ang shelf life ng produkto hanggang 2 years.

Ayon sa Pangulo, hindi lang raw ito tungkol sa dagdag production. Layunin din nitong magamit ang mga itlog na maaaring hindi maibenta, mabawasan ang waste, at mas malaking bahagi ng value ng produkto ay mapunta sa producers.

Sa BEPCO, iniulat ding tumaas ng 125% ang sales at 25% ang productivity ng cooperative matapos ang mga suportang teknolohiya at proyekto.

Pilot stage pa ang pasilidad at may mga karagdagang machinery na ini-install para mapataas pa ang production. | BChannel News | 📸 PCO