Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Patuloy na ulan, posibleng magpa-agos ng lahar sa Pinatubo at Taal volcano

Nagbabala ang DOST-PHIVOLCS sa posibleng pag-agos ng lahar, putik at muddy runoff sa paligid ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Taal dahil sa tuloy-tuloy na malakas na ulan.

Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 15 ng PAGASA na inilabas alas-11 ng umaga ngayong August 29, patuloy na nakakaapekto ang southwest monsoon o habagat sa western at central portions ng Luzon.

Sa Pinatubo, maaaring magkaroon ng lahar sa mga ilog na nasa western side ng bulkan, kung saan nananatili ang malalaking deposito mula sa 1991 eruptions.

Posibleng maapektuhan ang Sto. Tomas-Marella at Bucao River systems. Kapag umabot sa lower areas, maaari itong maging muddy streamflows at baha na posibleng makaapekto sa San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan sa Zambales.

Maaari ring magkaroon ng muddy streamflows sa O’Donnell at Pasig-Potrero River systems, na maaaring makaapekto sa mga komunidad sa Tarlac at Pampanga.

Samantala, sa Bulkang Taal, posible rin ang muddy streamflow at runoff, lalo na sa western slopes ng Taal Lake.

Kabilang sa mga dating naapektuhan ang mga komunidad sa Agoncillo at Laurel, Batangas.

Paalala ng DOST-PHIVOLCS, patuloy na bantayan ang lagay ng panahon at maging handa sa posibleng paglikas o iba pang kinakailangang hakbang kung lalala ang kondisyon.