Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Pagdaraos ng events sa Grand Acacia Pavilion ng Batangas Country Club hanggang 2027, may 25% discount ngayong Setyembre

Abot sa 25% off ang diskwento na hatid ng Batangas Country Club para sa mga okasyon o social events na isasagawa sa Grand Acacia Pavilion sa ilalim ng kanilang ‘September on Sale’.

Sa sale, ang mga events na idaraos simula September 2026 hanggang September 2027 ay makakakuha ng 25% discount sa lahat ng social event packages ng BCC, para sa mga booking na naitala ngayong September 1 hanggang 30, 2026.

 

Ayon sa BCC, ang Grand Acacia Pavilion ay isa sa kanilang ipinagmamalaking pasilidad na may kapasidad hanggang 400 katao, na angkop para sa iba’t ibang okasyon tulad ng kasal, debut, galas, at maramihang event-gathering.

 

Para sa booking o ibang impormasyon, maaaring tumawag sa 0917-528-2337 o 722-1228 / 0820 at sa kanilang Facebook page, Batangas Country Club.

Ang BCC ay kilala bilang resort, hotel, at events place na dinarayo ng mga parokyano at turista para sa kanilang malawak at magandang amenities, kabilang ang unique food experience, at hospitable service.  | #BCBrandLab | BChannel News