Opens in a new tab
Skip to content
National

MMDA Chairman, kinumpirma na personal sasakyan ni Nicolas Torre III ang sinitang sasakyan

Kinumpirma ni MMDA Chairman Romando Artes na personal na sasakyan ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang MMDA vehicle na sinita ng LTO matapos dumaan sa EDSA Busway.

Ayon sa LTO, boluntaryong isinuko ni Torre ang sasakyan matapos itong maisyuhan ng Show Cause Order.

Bukod sa pagdaan sa Busway, iniimbestigahan din ang paggamit umano ng plakang hindi tugma sa nakarehistrong sasakyan.

Nasa kustodiya ngayon ng LTO ang sasakyan habang isinasagawa ang kaukulang proseso at imbestigasyon.

Sinuspinde rin ng LTO ang lisensya ng driver at inalarma ang sasakyan.

Ayon naman kay Torre, ginagamit niya ito habang mino-monitor ang traffic situation sa EDSA-Guadalupe Bridge at tumutugon sa isang stalled vehicle.

Giit ng ahensya, walang exemption sa pagpapatupad ng batas-trapiko, anuman ang sasakyan o ahensyang may-ari nito. | BChannel News