Isang simpleng airport encounter ang naging viral matapos mapansin ng isang baby ang Gilas Pilipinas player na si Dwight Ramos.
Sa video na ibinahagi online ni Aivie B. Cuevas, makikitang itinuturo ng bata si Ramos at tinawag itong “daddy” habang nagpapakuha ng larawan ang magulang nito kasama ang basketball star.
Dahil dito, naging katuwaan sa social media ang tinaguriang “instant daddy” moment ni Ramos, na umani na ng milyon-milyong views at iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.
Dumating si Ramos sa Pilipinas para sa B.League exhibition games sa Manila, kung saan nagharap ang mga koponan ng Japan B.League sa Mall of Asia Arena noong September 9 at 10.
Ito ang unang pagkakataon na nagdaos ang Japan B.League ng official games sa labas ng Japan.
Sa halip na basketball highlights, isang cute na airport moment muna ang naging highlight para kay Ramos. | BChannel NEWS