Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Batangas health board, tinalakay ang hospital rates at health services

May ilang kailangang ayusin sa health services ng Batangas, kabilang ang unpaid newborn screening obligations, kakulangan sa medical specialist at access sa emergency assistance.

Ito ang ilan sa mga usaping tinalakay sa Provincial Health Board meeting noong September 10 sa Batangas City.

Gagamitin ang available na 2026 funds para ayusin ang outstanding 2025 newborn screening obligations ng San Juan District Hospital at Don Manuel Lopez Memorial District Hospital.

Pinag-aaralan din ang deployment ng medical specialist sa MVM Sto. Rosario District Hospital sa ilalim ng DOH Post-Residency Deployment Program.

Kasama rin sa mga hakbang ang coordination sa PSWDO para sa guarantee letters ng emergency cases, lalo na kapag after-office hours.

Samantala, pinag-aaralan din ang pagbabago sa hospital service rates at isang standardized health profiling system para mas maging batay sa aktuwal na datos ang pagpaplano ng health programs sa lalawigan. | BChannel News | 📸 Batangas PIO