Dead on arrival ang isang 26-anyos na motorcycle driver, habang kritikal naman ang kondisyon ng kanyang back rider matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa dalawang concrete electric post sa Barangay Taysan, San Jose, Batangas madaling-araw nitong September 27, 2026.
Ayon sa San Jose Municipal Police Station, bandang 1:20 AM nang makatanggap sila ng report tungkol sa road accident. Rumesponde ang police, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO at Bureau of Fire Protection.
Batay sa initial investigation, binabaybay ng motorsiklo ang isang curved portion ng kalsada nang aksidenteng sumagi ito sa isang concrete electric post. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang motorsiklo at tumama naman sa isa pang poste.
Kapwa nagtamo ng multiple injuries ang driver at back rider at isinugod sa San Jose District Hospital. Gayunman, idineklara ng attending physician na dead on arrival ang driver na si Rico, 26-anyos at residente ng Barangay Taysan.
Nasa critical condition naman ang 18-anyos na back rider na si Ronnie.
Sa imbestigasyon ng pulisya, parehong iniulat na nasa impluwensya ng intoxicating liquor ang dalawang sakay nang mangyari ang insidente.
Ang sangkot na Mio Sporty motorcycle na may plate number U8512B ay nagtamo rin ng pinsala, ngunit hindi pa matukoy ang estimated repair cost.
Patuloy ang imbestigasyon ng San Jose police sa insidente.