Asahan ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Huwebes, October 29, dahil sa epekto ng shear line at northeast monsoon o amihan, ayon sa PAGASA.
Kabilang sa mga lugar na posibleng makaranas ng maulap na panahon at pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Bicol Region, Camarines Norte, Camarines Sur, Marinduque, at Oriental Mindoro.
Samantala, mahihinang pag-ulan naman ang inaasahan sa malaking bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, at Nueva Ecija dahil sa amihan. Mas maaliwalas ang panahon sa iba pang bahagi ng Luzon, pero posible pa rin ang isolated thunderstorms.
Sa Visayas, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan, na may mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms. Mainit at maalinsangan naman ang panahon sa Mindanao.
Patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area o LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR. Batay sa datos alas-8 ng umaga, nasa layong 915 kilometers east ng Eastern Visayas ang LPA.
Minomonitor din ang bagyong may international name na IN-FA, na nasa labas pa ng PAR. Huling namataan ito sa layong 3,540 kilometers east ng Central Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 175 kilometers per hour at gustiness na hanggang 215 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-west sa bilis na 30 kilometers per hour.
Sa temperatura naman, inaasahang aabot sa 33 degrees Celsius ang init sa Metro Manila, Cebu, at Cagayan de Oro. Pinakamababang temperatura sa mga nabanggit na lugar ang 17 degrees Celsius sa Baguio City, habang posibleng umabot sa 34 degrees Celsius ang init sa Laoag, Zamboanga, at Davao.
Narito ang inaasahang temperature range sa iba pang lugar: Metro Manila, 25 hanggang 33 degrees Celsius; Baguio City, 17 hanggang 26; Laoag City, 23 hanggang 34; Tuguegarao, 23 hanggang 33; Legazpi City, 26 hanggang 32; Puerto Princesa City, 24 hanggang 33; Tagaytay, 22 hanggang 29; Kalayaan Islands, 26 hanggang 32; Iloilo City, 24 hanggang 31; Cebu, 27 hanggang 33; Tacloban City, 26 hanggang 32; Cagayan de Oro City, 25 hanggang 32; Zamboanga City, 25 hanggang 34; at Davao City, 24 hanggang 34 degrees Celsius.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling updated sa mga abiso ng PAGASA, lalo na sa mga lugar na posibleng makaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan at thunderstorms.