May bagong paraan na ang mga manggagawa at employers para makapagsumbong at magtanong tungkol sa kanilang mga karapatan at problema sa trabaho.
Opisyal nang inilunsad ng Department of Labor and Employment o DOLE ang Hotline 15/30 na papalit sa dating 1349 hotline. Maaaring tawagan ang numerong 1-5-3-0 anumang oras dahil available ito 24/7 nationwide.
Kabilang sa mga maaaring i-report ang unpaid wages at benefits, illegal dismissal, paglabag sa labor standards at mga problema sa workplace safety.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, may nakatalagang personnel na sasagot sa tawag kahit sa graveyard shift. May dagdag na staff din para tumugon sa mga concern na ipinapadala sa email, website at social media ng ahensya.
Gayunman, nilinaw ng DOLE na hindi nangangahulugang agad na mareresolba ang lahat ng reklamo dahil ire-refer muna ang mga ito sa tamang opisina para sa kaukulang aksyon.
Samantala, makikipagtulungan din ang DOLE sa TESDA para maayos na maipasa ang mga katanungan at concern na may kaugnayan sa technical training at skills development.