Aabot sa 3 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa tatlong indibidwal na naaresto sa isang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite, nitong November 8, 2026.
Dakong alas-4:30 ng hapon nang isagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 4A Special Enforcement Team at PNP Cavite Maritime Group sa Barangay H-2.
Kinilala ang mga suspek na sina Amir, 51; Jamala, 51; at Amira, 46, na pawang residente ng nasabing barangay.
Nasamsam sa kanila ang limang knot-tied plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 500 grams at standard drug price na 3 million pesos.
Narekober din ang isang genuine 1,000-peso bill na ginamit bilang buy-bust money, isang cellphone, motorsiklo, LTO Official Receipt at identification card.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, kaugnay ng Section 26(b) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dahil sa umano’y pagbebenta at sabwatan sa pagbebenta ng ilegal na droga.
Dinala ang mga suspek at ebidensya sa PDEA facility sa Barangay Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna para sa dokumentasyon at inventory. Inihahanda na rin ang kaukulang criminal charges.