Isang 20-anyos na estudyante ang ninakawan ng bag na naglalaman ng P3,500 cash at iba pang personal na gamit habang nagpa-practice para sa isang school activity sa Plaza Independencia, Barangay 9, Lipa City, Batangas.
Arestado ang isang 25-anyos na lalaki na kinilalang si Marko, residente ng Barangay Antipolo del Sur.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente alas-3:05 ng hapon nitong November 17, 2026. Iniwan ng biktima ang kanyang black bag sa bleachers, ngunit nang balikan ay nawawala na ito.
Sa pagsusuri ng CCTV footage mula sa Lipa City CDRRMO, nakita ang isang lalaking naka-itim na damit na kumuha ng bag at umalis.
Nakilala naman ng ilang vendor sa lugar ang suspek, na kalaunan ay natunton at naaresto sa tulong ng mga pulis. Nabawi rin ang mga ninakaw na gamit.
Dinala ang suspek sa Lipa City Police Station bandang alas-8:40 ng gabi. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong theft sa Lipa City Prosecutor’s Office. | BChannel news