Magkakaroon ng 12-oras na brownout sa iba’t ibang bahagi ng Batangas sa April 26 at April 27 dahil sa maintenance activity ng National Grid Corporation of the Philippines, na sasabayan din ng mga gawain ng BATELEC II at BATELEC I.
Ayon sa Batelec II, ang nakatakdang April 25 ay ililipat na sa April 26, mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, apektado ang malaking bahagi ng Lipa City kabilang ang mga barangay na Adya, Bagong Pook, Balintawak, Banay-banay, Bolbok, Bulacnin, Bulaklakan, Calamias, Cumba, Dagatan, Duhatan, Halang, Inosluban, Fernando Air Base, Kayumanggi, Latag, Lodlod, Lumbang, Mabini, Malagonglong, Marawoy, Mataas na Lupa, Pagolingin Bata, Pangao, Pinagtongulan, Plaridel, Pusil, Quezon, Rizal, Sampaguita, San Carlos, San Guillermo, San Jose, San Lucas, San Salvador, San Sebastian o Balagbag, Sico, Talisay, Tambo, Tangob, Tangway, Tibig at Tipacan, pati ang buong Poblacion o Barangay 1 hanggang 11 at 9A, at ilang bahagi ng Barangay 6, Barangay 10 at Barangay Bugtong.

Kasama rin sa maaapektuhan ang buong Balete maliban sa Barangay Solis, ilang bahagi ng San Jose kabilang ang Mojon Tampoy, Banay-Banay 2 at iba pang sakop na barangay, pati bahagi ng Tanauan City partikular sa Barangay Bagbag.
Kabilang din sa apektadong lugar ang buong Mataas na Kahoy, dahil sa maintenance at energization ng 69kV line mula Ingasco papuntang Bulate Ave sa Lipa, ayon sa BATELEC II.

Samantala sa April 27, mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, magkakaroon din ng power interruption sa Poblacion at lahat ng barangay sa Agoncillo, Calatagan, Nasugbu, Santa Teresita, Balayan, Lemery, San Luis, Taal, Calaca City, Lian, San Nicolas at Tuy.

Ayon sa NGCP, isinasagawa ang maintenance sa Batangas-Lipa 69kV line para mapabuti ang serbisyo ng kuryente. Pinapayuhan ang publiko na maghanda bago ang brownout tulad ng pag-charge ng gadgets, pag-iimbak ng tubig at pag-unplug ng appliances.
Posible namang maibalik ang kuryente nang mas maaga kung matatapos agad ang trabaho, ngunit maaari ring magbago ang schedule depende sa magiging takbo ng maintenance. | BChannel News