Pinagko-comment ng Supreme Court of the Philippines sina Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary na si Ralph Recto sa petisyong inihain ni Pantaleon Alvarez na humihiling na obligahin ang Pangulo na sumailalim sa physical at mental exam, kabilang ang hair follicle drug test.
Layon din ng petisyon na ipa-disclose ang medical report ng Pangulo, kasama ang kumpirmasyon ng kaniyang fitness para mamuno.
Binigyan ng Korte Suprema ng 10 araw ang respondents para magsumite ng kanilang komento habang wala pang pinal na desisyon sa kaso.