Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang siya ay nakasakay sa kanyang motorsiklo sa Barangay Sambat, Balayan, Batangas, nitong Martes, April 21 bandang 10:45 PM.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang pinaputukan ang biktima na si Angelo habang nasa biyahe. Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng pamamaril at patuloy pa itong inaalam ng mga awtoridad.
Isinugod ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead on arrival habang ginagamot.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek papunta sa hindi pa matukoy na direksyon.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng dragnet operations ang Balayan Municipal Police Station para matukoy at mahuli ang suspek.
Humingi na rin ng tulong ang pulisya sa SOCO team para sa mas masusing imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen. | BChannel News